
USM Strengthens Support for Inclusive Communication Through Filipino Sign Language Webinar
August 15, 2025
From ISPEAR to CHK: USM Launches New College for Sports and Human Performance
August 15, 2025
Katuwang ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), nagpasinaya ng mga bagong aklat ang University of Southern Mindanao (USM) bilang bahagi ng selebrasyon sa buwan ng wika noong Agosto 12, 2025 na ginanap sa USM, Kundo E. Pahm Learning Resource Center (KEPLRC), USM, Kabacan, Cotabato.
Tampok sa programa ang tatlong-volume na coffee table books na pinamagatang Pagkilala, Paggalang, at Pagtaguyod, mga aklat na naglalathala sa kasaysayan ng mga pangkat etniko mula sa iba’t-ibang bansa.
Orihinal na inilabas ang trilohiyang libro sa pamamagitan ng “Proyektong Epanaw” ng National Commission on Indigenous People (NCIP). Matagumpay namang naipamahagi sa Pamantasan sa tulong ng KWF.
Sa kanyang pambungad na talumpati, binigyan-diin ni Prof. Radji A. Macatabon, Tagapamahala ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK), na layunin ng pamamahagi ng mga aklat ay pagbibigay sa mga kawani at mag-aaral ng pagkakataon upang mapalalim pa ang pag-unawa sa kultura, tradisyon at pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.
“Ang ating gawain ngayon ay isa lamang sa mga aktibidad ng SWK para sa pagdiriwang ng buwan ng wika 2025,” ani Macatabon
Samantala, sa kanyang mensahe ng pagtanggap, binigyang-halaga ni Prof. Susan Martinez, Direktor ng KEPLRC, na malaki ang responsibilidad ng aklatan ng Pamantasan bilang tagapamahala sa pagpapanatili ng mga librong ipinagkaloob.
Aniya, ang pagpapahalaga sa mga librong ito sa pamamagitan ng pagbibigay espasyo na magsisilbing paglalagayan ng mga aklat ay isang paraan upang mapanatili ang kalidad ng materyal upang sa gayon ay mas malawak pa ang makakapagbasa nito.
Hinikayat din ni Prof. Martinez ang mga mag-aaral ng Pamantasan na magbasa ng mga librong may kaugnayan sa wika at kultura ng mga Pilipino.
“Kayong mga mag-aaral, magbasa kayo ng mga librong may maasahang sanggunian katulad nito na makakatulong sa inyo sa pagtuklas kung ano ang kayamanan mayroon tayo sa Pilipinas,” ani Martinez
Sa kabilang banda, ipinaabot din ni Prof. Leorence C. Tandog, Vice President for Academic Affiars, ang mensahe ng Pangulo ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao na si Dr. Jonald L. Pimentel.
Sa kanyang talumpati, inihalintulad ng pangulo ang mga aklat bilang mga kaibigan. Aniya, bagama’t tahimik punong puno naman ito ng kaalaman at kuwento.
Hinikayat din ng pangulo ang mga mag-aaral na basahin ang mga librong ipinagkaloob bilang pagpapakita ng pagpapahalaga. Hindi lamang nasa sulok bilang palamuti ngunit nagbibigay pag-unawa sa isip at puso ng bawat Pilipino.
Text: Aljamil Kamsa | USM Information Officer








