USM Announces New CA Dean
April 12, 2024USM organizes Quiz on the Air during Mother Bai Day; CSM emerged champion
April 15, 2024Kasabay sa selebrasyon ng Bai Matabay Plang Day, nagtipon ang komunidad ng USM at mga panauhin nito sa University of Southern Mindanao (USM) Auditorium Kabacan, Cotabato noong Abril 12, 2024.
Ang deklarasyon ng Bai Hadja Fatima Matabay Namli Plang Day ay alinsunod sa Provincial Order 624 na sinimulan noong April 2019.
Ito na ang ika-anim na taong selebrasyon sa buong lalawigan ng Cotabato bilang pag alala at pagpapahalaga sa kabayanihan ni Mother Bai, ang nagtatag ng USM.
Pinasalamatan ni Dr. Francisco Gil N. Garcia, pangulo ng pamantasan, ang mahalagang kontribusyon ni Mother Bai sa buhay ng mga dating mag-aaral ng USM na ngayon ay nagsisilbing mga lingkod bayan. Siya ay isa lamang sa maraming nagtapos sa USM na ngayo’y naglilingkod din sa kanyang komunidad.
Samantala, nagbigay pugay din sa nasabing programa si Board Member Jonathan Tabara, ang may-akda ng ordinansa na nagdedeklara sa araw ng Abril 13 ng bawat taon bilang Bai Hadja Fatima Matabay Namli Plang Day.
Dinaluhan naman ng mga kawani at mga mag-aaral ng USM ang nasabing selebrasyon kung saan ang highlight ay ang mga talumpati ng iba’t ibang panauhin na kinabibilangan ng panganay na apo ni Bai Hadja Fatima Matabay N. Plang na si Mustafa Virgilio F. Plang, representante mula sa pangkat ng mga retirees na si Dr. Naomi G. Tangonan, representante mula sa pangkat ng mga alumni na si Mr. Reynaldo H. Legaste, representante mula sa pangkat ng mga benepisyaryo ng USM Founder’s legacy na si Prof. Bryan Lloyd P. Bretaña, representante mula sa pangkat ng mga mag-aaral na si Kristine C. Morales, at miyembro ng lupon, unang distrito sa lalawigan ng Cotabato na si Hon. Sittie Elijorie C. Antao.
Nagkaruon naman ng kanduli, isang salo-salo, kung saan ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral kasama ang mga empleyado ng pamantasan.
Nagtapos ang selebrasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa puntod ni Mother Bai sa Batulawan, Pikit, Cotabato.