Filing of Candidacy for USM Alumni Officers and Board of Trustees
September 26, 2024USM-RDE Conducts Literary Arts Innovation Workshop
September 26, 2024Sa kauna-unahang pagkakataon, binigyang parangal ng University of Southern Mindanao ang mga piling USM tricycle drivers kaninang umaga, September 26, 2024 na ginanap sa harap ng University Auditorium, USM, Kabacan, Cotabato.
Layunin ng parangal na kilalanin ang kanilang dedikasyon at katapatan sa paglilingkod sa mga pasahero sa loob ng pamantasan. Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ni Lawrence Anthony U. Dollente, PhD, Director ng University Quality Assurance Office (UQAO) na ang Katapatan Seal ay igagawad sa mga tricycle driver na nagpakita ng kabutihang-loob at katapatan, kabilang na ang pagsasauli ng mga naiwan na gamit sa kanilang tricycle units gaya ng mga bag, pera, cellphone, at iba pa.
Hiniling naman ni Mohammad B. Sindikong, isa sa mga pinarangalang tricycle driver, na sana ay magpatuloy ang pagiging matapat ng kanyang mga kasamahang tricycle driver upang higit pa silang pagkatiwalaan ng mga pasahero.
“Sa mga kasamahan kong drayber, sana ganito tayo hanggat nandito tayo sa USM. At mahalin natin ang USM kasi unang-una, ito ang ating kabuhayan at tsaka tayong mga drayber, karamihan sa atin ay pamilyado… kaya iniingganyo ko ang aking mga kasamahan at kahit sino na hindi lang tayo tapat sa mga gamit kundi maging tapat din tayo sa ating mga pasahero,” pahayag ni Sindikong.
Lubos namang nagpasalamat si University President Francisco Gil N. Garcia, PhD sa mga tricycle driver na kanyang tinawag na isa sa mga bagong bayani sa USM. Ibinahagi rin niya na ipinagpaliban ng administrasyon ang mga planong pagpasok ng electric vehicles sa loob ng campus upang hindi mawalan ng hanapbuhay ang mga tricycle drayber.
Ang Katapatan Seal ay kasalukuyang nakadikit sa harap ng mga piling tricycle units na namamasada sa loob ng unibersidad.