MASTS Cultural Fest 2022: USM Clinches Silver
November 13, 2022BAEL USM Bags Int’l Awards in 3rd Global Cultural Exchange
November 17, 2022Isang mag-aaral mula sa College of Business, Development Economics and Management (CBDEM) ang muli na namang namayagpag sa larangan ng istadistika sa ginanap na Regional Level ng 26th Philippine Statistics Quiz matapos manalo ng ikatlong pwesto na puntos na 26.
Bitbit ni Christian Jay M. Oliveros ang bandera ng Lalawigan ng Cotabato sa nasabing kompetisyon noong Lunes, Nobyembre 14, sa opisina ng Philippine Statistics Authority (PSA) RSSO XII, Koronadal City, South Cotabato.
Nagkulang man ng isang puntos para sa ikalawang pwesto at anim na puntos upang irepresenta ang rehiyon-dose sa national level, sinabi naman ni Oliveros na hindi niya inaasahang mapabilang pa sa mga nagwagi.
“The Poisson Distribution and the hypothesis testing questions is where I fell short. If only I reviewed it well, maybe the results were diffirent,” aniya.
“My opponent did really well in the said questions, I think I was one of the few who didn’t get it right. I was just really lucky to be included in the Top 3,” ika pa niya.
Dagdag pa ni Christian, hindi matutumbasan ang kasiyahan na kaniyang napagdaanan mula sa paghahanda hanggang sa pagsabak sa patimpalak dahil bagama’t ikatlong pwesto lamang ang kaniyang naiuwi ang karangalan mairepresenta ang unibersidad at Lalawigan ng Cotabato sa rehiyon ay isang malaking medalya na.
“I want to encourage incoming freshmen next year to join PSQ. It’s really a fun experience plus may cash prize pa. Your efforts will not go to waste,” pagtatapos niya.
Hinirang sa unang pwesto ang Mindanao State University – Gensan na may 31 na puntos na siyang mag rerepresenta sa Rehiyon dose sa darating na national championship, at ikalawang pwesto naman sa Notre Dame of Dadiangas University (NDDU) sa puntos na 27.
FB link of the original article: https://www.facebook.com/photo?fbid=689280415887239&set=a.218160922999193
#TheMindanaoTech
#VanguardOfStudentsRights
#SixtySevenYearsOfCampusPress