University of Southern Mindanao, may sarili nang Broadcast Franchise

SOXAARRDEC SciCom cluster meets, Dr. Dilna graces the event
March 31, 2022
Midterm Examination Schedule (Major Courses), 2nd Semester, S.Y. 2021-2022
April 2, 2022
SOXAARRDEC SciCom cluster meets, Dr. Dilna graces the event
March 31, 2022
Midterm Examination Schedule (Major Courses), 2nd Semester, S.Y. 2021-2022
April 2, 2022

Nilagdaan na ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang RA 11670 o ang batas para sa broadcast franchise ng University of Southern Mindanao.

Batay sa naturang batas, binibigyan ng prebelihiyo ang USM na makapagpatayo at magmantine ng network of radio broadcasting stations sa buong lalawigan ng Cotabato para sa educational and other related purposes. Nilagdaan ito ng Pangulo nitong March 29, 2022 at naisapubliko ngayong araw, March 31, 2022 sa pamamagitan ng Official Gazette ng Philippine Government.

Ang batas ay iniakda ni Cotabato 3rd District Representative Jose “Ping-ping” Tejada Jr.

Sa kasalukuyan, tanging ang DXVL-FM (Kool 94.9 MHz) ang istasyong pinatatakbo ng Pamantasan na inaasahang mas lalakas at lalawak pa ang coverage matapos mapagkalooban ng prangkisa.

Bago magkaroon ng sariling broadcast franchise ang USM ay legal itong sumasasahimpapawid sa ilalim ng prangkisa ng Philippine Broadcasting Service ng Bureau of Broadcast Services, ang radio network ng Philippine Government.

“Very good news”! Ito naman ang reaksiyon ni USM President Francisco Gil N. Garcia sa pagkakalagda ng batas.

Ganap itong magkakabisa makaraan ang 15 araw mula ngayon matapos ang pagsasapubliko sa pamamagitan ng Official Gazette ng pamahalaan.

#GreatUSM
#Ping-pingTejada
#DXVL94.9FM
TatakUSM