USM produces 4 chemists, 23 chemical technicians
October 16, 2019USM produces 6 CPA board passers
October 24, 2019Sa tatlong taon na magkakasunod mula 2016-2018 ikinagagalak at ipinagmamalaki ang pagkakapili kina Dr. Nelia Orpiano- Du (2016), Dr. Maria Luz Dela Saura- Calibayan (2017) at Dr. Shandra Caup Gonsang (2018) bilang mga Ulirang Guro dahil sa pambihirang gawain sa mga anyo ng akademikong ugnayan, saliksik at pagpapalaganap ng wikang Filipino.
Bilang panibagong pagtugon ng pansariling kakusaan at bagong sikhay na pagpupunyagi kalakip ang kalagayan sa pagsasagawa ng sinasabing isa sa mga dakilang propesyon, ang pagtuturo, muling pinarangalan bilang Ulirang Guro 2019 ang mga nasabing propesor ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao, Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Kagawaran ng Wika at Panitikang Filipino. Ang taong ito ay isang makasaysayang araw ng pagpaparangal dahil sa kauna-unahang pagkakataon ang Komisyon sa Wikang Filipino ay muling ipinagkaloob ang parangal sa mga nagawaran na ng medalyon sa Ulirang Guro sa mga nagdaang taon bilang pagpapatunay sa makabuluhang ambag sa pagpapalaganap ng wika, panitikan at kulturang Pilipino. Ito ay simbolo ng kanilang patuloy na maalab na pakikiisa sa mga programa ng Komisyon.
Guro ang pundasyon ng sibilisasyon, at sa ganitong pananaw isinilang ang Gawad Ulirang Guro sa Filipino na kumikilala sa mga natatanging guro na pawang nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng matalino at malikhaing gamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina, saanmang rehiyon sila nagmula at nakapagpamalas ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan at kayamanang pamana ng bansa.
Ang paggawad ng medalya at katibayan ng pagkilala ay ginanap noong Oktubre 1, 2019, 2:00 n.h hanggang 4:00 N. H. sa auditorium ng National Museum of Fine Arts, Padre Burgos Avenue, Ermita, Maynila.