USM researchers develop alternative for commercial anthelmintics
May 8, 2023USM ESO HANDS OVER IEC PRINT MATERIALS TO DA LGU-COLUMBIO
May 19, 2023Matagumpay na idinaos ang kulminasyon ng Buwan ng Panitikan 2023 noong Biyernes, Mayo 5, 2023 sa USM Commercial Building alinsunod sa Proklamasyon ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) Blg. 968 s, 2015 na nagtatakda sa buwan ng Abril ng bawat taon bilang pagdiriwang ng buwan ng panitikan.
Layunin nitong itanghal at itampok ang mga pamanang panitikang Filipino at mga panitikang bunga ng pananaliksik at pagsisiyasat.
Sa taong ito, nakatuon ang tema ng pagdiriwang sa “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan”.
Kaya, bilang pakikiisa ng University of Southern Mindanao (USM) sa Komisyon sa Wikang Filipino at National Commission for Culture and Arts, nagsagawa ang USM Sentro Wika at Kultura (SWK) ng paligsahan sa intepretatibong pagbasa, spoken poetry at kundiman.
Nagkaroon din ng tertutyang pampanitikan na nilahokan ng mga guro at mag-aaral ng Bachelor of Elementary Education at Bachelor of Secondary Education Filipino Major ng College of Education.
Naging panauhing tagapagsalita si G. Jame A. Valenia, Master Teacher I ng DepEd na isa ring manunulat. Ibinahagi ni G. Valenia ang kanyang mga akdang pampanitikan na maikling kuwento at dagli. Hinimok niya ang mga mag-aaral ng kolehiyo na sa kanilang sariling kakayahan maaari rin nilang simulan ang pagsulat ng mga panitikan na magagamit nila sa panahong ganap na silang guro sa hinaharap.