Kabayanihan ni Bai Hadja Fatima Matabay N. Plang, ginunita ngayong araw sa USM

Midterm Exam Update
April 12, 2022
Blessed Holy Week
April 14, 2022
Midterm Exam Update
April 12, 2022
Blessed Holy Week
April 14, 2022

Ginunita ngayong araw ang kabayanihan ni Bai Hadja Fatima Matabay Namli Plang, ang tagapagtatag ng USM. Nagpasalamat si Dr. Francisco Gil N. Garcia ang pangulo ng Pamantasan sa mahalagang kontribusyon ni Mother Bai sa buhay ng bawat mag-aaral ng pamantasan na nakapagtapos sa USM na sa ngayon ay naglilingkod na rin sa bayan. Isa ang pangulo sa marami pang mga mag-aaral na produkto ng USM.

Dinaluhan ng mga kawani ng USM, at mga mag-aaral ang nasabing selebrasyon, kung saan ang highlight ay ang mga talumpati ng tagapagsalita na kinabibilangan ng panganay na apo ni Bai Hadja Fatima Matabay N. Plang na si Mustafa Virgilio Plang, representante mula sa Katutubong Mamamayan na si Dr. Billy Pobre, representante mula sa grupo ng mga Muslim sa USM na si Dr. Abdulnasser Makalugi, at representante mula sa mga mag-aaral na si Alliah Mantawil.

Nagbigay pugay rin sa nasabing programa si Board Member Jonathan Tabara ang may-akda ng ordinansa na nagtakda sa araw ng Abril 13 ng bawat taon bilang Bai Hadja Fatima Matabay Namli Plang Day. Ngayong araw ang ikaapat na taong selebrasyon ng Bai Matabay Plang Day sa buong lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay OSA Director Yvonne V. Saliling, ang araw na ito ay araw ng paggunita sa kabayanihan ni Mother Bai. Anya, nararapat lamang na bigyang pugay ang malaking kontribusyon ni Mother Bai sa pamayanan lalo na sa larangan ng edukasyon.

Tinuldukan ang programa sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga lobo sa harap ng monumento ni Bai Hadja Fatima Matabay N. Plang bilang simbolo ng kanyang kadakilaan at kabayanihan.

Ian Daniel Geslaga
Ian Daniel Geslaga
DEVCOM Intern