Health and Wellness activities sa USM, inilunsad

USM Honors Employees, Stakeholders at Gabi ng Parangal 2024
October 11, 2024
USM Alumna Ranks Second in October 2024 LEFP; USM Surpasses Nat’l Passing Rate
October 16, 2024
USM Honors Employees, Stakeholders at Gabi ng Parangal 2024
October 11, 2024
USM Alumna Ranks Second in October 2024 LEFP; USM Surpasses Nat’l Passing Rate
October 16, 2024

Isang masiglang 15-minute dance exercise na dinalohan ng mga kawani ng USM ang sumalubong sa opening program ng Health and Wellness activities na ginanap sa harap ng USM Auditorium, USM, Kabacan, Cotabato, noong September 11, 2024.

Ito ay alinsunod sa inilabas na Memorandum No. 102 Series of 2024 ng USM na nagsasaad na simula September 11 ay hinihikayat ang lahat ng kawani ng USM na lumahok sa mga aktibidad tuwing byernes simula alas dos y medya hanggang alas singko ng hapon.

Kabilang sa mga maaaring lahokan ng mga partisipante ay ang volleyball, basketball, pickleball, badminton, table tennis, dancesports, at walkathon.

Ang kulminasyon ng nasabing aktibidad ay inaasahang gaganapin sa Faculty and Staff week sa disyembre ngayong taon.

Layunin ng aktibidad na makatutulong ang inisyatibang ito sa pagpapabuti ng pisikal at mental na kalusogan ng bawat kawani sa USM.