3 Estudyante ng USM Kampeon sa JIECEP DATATHON National Competition

CPA Licensure Examination Passers (October 2022)
October 29, 2022
PSABE – PPG, USM Overall Champion in the 26th Mindanao-wide
November 12, 2022
CPA Licensure Examination Passers (October 2022)
October 29, 2022
PSABE – PPG, USM Overall Champion in the 26th Mindanao-wide
November 12, 2022

KAMPYEON ang tatlong estudyante mula sa University of Southern Mindanao sa Junior Institute of Electronics Engineers of the Philippines (JIECEP) Datathon National Competition na ginanap noong November 11, 222 via Zoom.

Kinalala ang tatlong estudyante na pawang mga 4th year students mula sa Department of Electronics Engineering ng College of Engineering and Information Technology na sina Arnel Glenn B. Jimenez, Joshua Ryle T. Silvano at Hernan H. Tecuala.

Ayon kay  Jimenez, hindi nila inaasahan na mag kampyeon agad sila dahil magagaling din umano ang mga kalaban at hindi nila inaasahan na mangunguna sila sa limang Unibersidad na sumali sa kompetisyon.

3 Estudyante ng USM Kapeon sa JIECEP DATATHON National Competition

Tinalo ng USM team ang mga deligado mula sa apat na Unibersidad kabilang na ang Camarines Sur Polytechnic College, Tarlac State University, University of the East – Caloocan, University of San Carlos, habang na disqualified naman ang mga deligado mula sa dalawang Unibersidad.

Ang Datathon ay isang uri ng kompetisyon kung saan nagtutulungan ang mga kalahok na lutasin ang data problem na ibinigay sa kanila.

Nagsilbi namang coach si Engr. Jerry T. Piamonte, faculty member ng USM CEIT at Deputy Director ng UICTO.

#GreatUSM

#TatakUSM

#TatakCEITYan